Info source: Rappler post
Itinanghal ang "fotobam" bilang Salita ng Taon 2016 nitong Huwebes, Oktubre 6, sa ikalawang araw ng Pambansang Kumperensiya sa Wikang Filipino na ginanap sa Diliman campus ng Unibersidad ng Pilipinas (UP).
Napili ang "fotobam" – na ipinasa ni Michael Charleston Chua – mula sa 10 salita na lumahok sa timpalak ngayong taon.
Ang 9 pang mga salitang kasama sa timpalak:
bully - ipinasa ni Ronel Laranjo
foundling - ipinasa ni Christine Marie Magpile
hugot - ipinasa ni Junilo Espiritu
lumad - ipinasa ni Father Albert Alejo, SJ
milenyal - ipinasa ni Jayson Petras
meme - ipinasa ni Gerard Concepcion
netizen - ipinasa ni Xavier Roel Alvaran
tukod - ipinasa ni Schedar Jocson
viral - ipinasa ni Joselito delos Reyes
Ang Sawikaan ay idinaraos ng Filipinas Institute of Translation (FIT) kada makalawang taon.
Ang mga sumusunod na salita ay itinanghal na Salita ng Taon sa mga nakalipas na taon: canvass (2004), jueteng/huweteng (2005), lobat (2006), miskol (2007), jejemon (2010), wangwang (2012), at selfie (2014).
Kasama ng FIT sa pagtaguyod ng Sawikaan ngayong 2016 ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Commission for Culture and the Arts, at Kolehiyo ng Edukasyon ng UP.
No comments:
Post a Comment