Click
here to view/download the DepEd Memorandum Pangkagawaran blg. 148 s.2011
Click
here to view/download the CHED Kalatas Mula sa Tagapangulo
Clich
here to view/download the CSC Patalastas bilang 34 s.2011
Click
here to view/download the DILG Memorandum Sirkular Blg. 2011-99
Hinati sa limang lingguhang paksa ang isang buwang pagdiriwang:
Petsa Paksa
Agosto 1-7 Pagpahalaga sa Pambansang Wika
Agosto 8-14 Wika sa Pagpapatupad ng Kaunlaran at Disiplina ng Bayan
Agosto 15-21 Wika ang Instrumento sa mga Patakarang Pangkaunlaran at Pangkatarungan
Agosto 22-28 Wikang Filipino : Tugon sa Malinaw na Programa sa Tuwid na Landas
Agosto 29-31 Wikang Filipino : Tinig ng mga Guro, Tinig ng mga Mag-aaral, Wika ng Kabayanihan
Agosto 1-7: Pagpapahalaga sa Pambansang Wika
- Pagsasapuso ng Pambansang Awit.
- Pagdaraos ng mga talakayan para sa pangangailangang pangwika sa epektibong paghahatid ng serbisyong pampamahalaan.
- Pagdaraos ng mga programa at gawain na ang gamit ay wikang Pambansa.
- Paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at korespondensiya.
- Pagdaraos ng Timpalak-Bigkasan sa silid-aralan gamit ang pambansang wika sa paksang "Ang Wika ay Lakas at Ilaw sa Tuwid na Landas".
- Ganap na maipaunawa sa mga mag-aaral na ang tagumpay ay matitiyak kapag mabuti at pinahahalagahan ang paggamit ng wika.
Agosto 8-14: Wika sa Pagpapatudad ng Kaunlaran at Disiplina ng Bayan- Pagsasapuso ng Panunumpa sa Watawat.
- Pagsasadula sa Wikang Filipino ng mga gawaing may kinalman sa kaunlaran at disiplina ng bayan.
- Pagpapasulat ng pormal or di-pormal (elementary at sekondarya) na sulatin o sanaysay (kolehiyo) tungkol sa paksa
- Pagtatanghal ng dula-dulaan na naglalarawan ng paksa, gamit ang wikang pambansa.
- Paghahanda ng iba-ibang slogan na may kaugnayan sa paksa, para sa lalo pang pagpapapasigla ng pagdiriwang.
Agosto 15-21: Wika ang Instrumento sa mga Patakarang Pangkaunlaran at Pangkatarungan- Pagsasapuso ng Diwa ng Kalayaan
- Pagdaraos ng Timpalak sa Talumpatian na ang pokus ay ang lingguhang paksa.
- Pagdaraos ng talakayan tungkol sa kasaysayan ng kalayaan na tinatamasa ng bayan.
- Pagdaraos ng debate na may pamagat na "Ang Kahalagahan ng Wika sa Larangan ng Katarungan."
Agosto 22-28: Wikang Filipino : Tugon sa Malinaw na Programa sa Tuwid na Landas
- Pagsasapuso ng Diwa ng Tuwid na Landas.
- Pagtalakay sa kahalagahan ng wikang Filipino sa pag-unawa sa isinusulong na mga programa ng Administrasyong Aquino.
- Pagtatala ng karunungang natamo dahil sa Wikang Filipino.
- Pagbuo at/o pagsariwa ng nga tula at awiting Filipino tungkol sa pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan bilang patunay ng pagmamahal sa bayan.
- Pagdaraos ng timpalak sa paggawa ng poster na naglalarawan ng kalikasan at/o kapaligiran ng Pilipinas noon at ngayon.
- Pagtataguyod ng Palatuntunan tungkol sa pagmamahal sa wika at kalikasan.
Agosto 29-31: Wikang Filipino, Tinig ng mga Guro, Tinig ng mga Mag-aaral, Wika ng Kabayanihan
- Pagsasapuso ng Diwa ng ika-150 Selebrasyon ng Kaarawan ni Dr. Jose P. Rizal.
- Pagtatanghal sa mga isinasagawang patimpalak sa panahon ng pagdiriwang.
- Pagdaraos ng Palatuntunan na nagpapamalas ng ilaw at lakas ng wika.
No comments:
Post a Comment