Friday, June 29, 2012

2012 Buwan ng Wika


Ang Paksang Diwa ng 2012 Buwan ng Wika pagdiriwang ay:

Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino

Mula sa website ng KWF:

Ngayong 2012, minamarkahan ang ika-75 taong pagkakaproklama sa Tagalog bilang batayang wika ng wikang pambansa (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, s. 1937) noong 1937. Sa loob ng 75 taon, kaakibat ng pambansang kaunlaran ang pagbabagong-bihis ng wikang pambansa mulang Tagalog-Pilipino-Filipino kung kaya’t ito ang tampok na tema sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa taong ito.
Tuwing Agosto, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang Buwan ng Wikang Pambansa sang-ayon sa tagubilin ng Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 na iniatas ng Dating Pangulong Fidel V. Ramos. Sa nasabing proklamasyon, kinikilala ang kahalagahan ng isang katutubong wika bilang mahalagang kasangkapan sa komunikasyon, unawaan, kaisahan, at pambansang kaunlaran.

Hinati naman sa limang paksa ang isang buwang selebrasyon:


No comments: