Monday, April 13, 2015
Pambansang Seminar sa Pagtuturo ng Panitikan Gender Based
Magdaraos ng Pambansang Seminar sa Pagtuturo ng Panitikang Gender Based sa 6-8 Mayo 2015, 8:00 nu-5:00 nh sa GSIS Theater, Financial Center, Lungsod Pasay ang Komisyon sa Wikang Filipino at Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan.
Layunin ng seminar na mapataas ang kamalayang pangkasarian ng mga guro sa pagtuturo ng panitikang gender based. Magkakaroon ng panayam at talakayan hinggil sa iba’t ibang paksang may kaugnayan sa panitikan, wika, at kasarian. Magsasagawa rin ng pakitang-turo sa kuwentong bayan, tula, at maikling kuwento.
Bukás ito sa mga punong guro, tagapag-ugnay, mga guro sa Filipino at panitikan sa elementarya, sekundarya, at tersiyarya na nasa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Walang babayarang rehistrasyon. Para sa pagpapatala, tumawag sa (02)736-2525 lok. 105, (02)708-6972, o mag-email saeinzoely08@gmail.com, o mag-text sa 0932-6348721. I-email o i-text ang buong pangalan at institusyong kinabibilangan. Ang dedlayn ng pagpapatala ay sa 22 Abril 2015.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment