Wika Natin ang Daang MatuwidAyon sa DepEd Memo no. 89 s. 2013,
Showing posts with label Tema. Show all posts
Showing posts with label Tema. Show all posts
Thursday, June 06, 2013
DepEd Memo : 2013 Buwan ng Wika
Ang Paksang Diwa ng 2013 Buwan ng Wika pagdiriwang ay:
Hinati sa mga sumusunod na diwa ang pangkalahatang tema ng pagdiriwang:
- Ang Wika Natin ay Wika ng Katarungan at Kapayapaan
- Ang Wika Natin ay Laban sa Katiwalian
- Ang Wika Natin ay Sandata Laban sa Kahirapan
- Ang Wika Natin ay Wika ng Mabilisan, Inklusibo, at Sustenidong Kaunlaran
- Ang Wika Natin ay Wika sa Pangangalaga ng Kapaligiran
Ang mga nabanggit na sub-tema ang papatnubay at magsilbing batayan ng lahat ng gawaing bubuuin at isasagawa sa isang buwang pagdiriwang. Hindi ito inayos sa pagkakasunod-sunod upang magkaroon ng kalayaan ang lahat sa pagpaplano ng programa.
Wednesday, July 28, 2010
2010 Buwan ng Wika

Ang tema sa pagdiriwang ng 2010 Buwan ng Wika ay
"Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan"
Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang taunang pagdiriwang at magkakaroon sa Agosto 2, 2010 ng pagpupugay sa watawat sa MalacaƱang Grounds bilang hudyat ng pormal ng pagsisimula ng pagdiriwang.
Hinati sa limang lingguhang paksa ang isyu ng pagdiriwang. Click here to view DepEd Memo No. 309 s. 2010 kung saan mababasa/makikita ang paksa sa bawat linggo.
Galing naman sa Facebook account ng KWF,
Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nilikha ng Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) na iniaatas ng Konstitusyon ng Pilipinas, na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nilikha bisa bisa ng batas-republika-7104, na nagtatakda ng mga kapangyarihang nito, mga tungkulin at mga gawain.Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936.Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.
Wednesday, July 08, 2009
Buwan ng Wikang Pambansa 2009

Ayon sa DepEd Memorandum no. 295 s.2009, ang tema ng 2009 Buwan ng Wikang Pambasang selebrasyon ay:
"Wikang Filipino : Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas "Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang taunang pagdiriwang ayon na rin sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997.
Subscribe to:
Posts (Atom)

