Friday, August 01, 2008

2008 Buwan ng Wika

Agosto na! Ito ang buwan ating ipinagdiriwang ang Wikang Pambansa. Isang selebrasyon nagpapahalaga sa ating sariling wika na dapat pagyamanin ng bawat Filipino. Ang tema ngayon 2008 Buwan ng Wika ay "Wika Mo, Wikang Filipino, Wika ng Mundo, Mahalaga!" Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang taunang pagdiriwang ayon na rin sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997.


Ayon sa DepEd Memorandum 332 s.2008

Layunin ng pagdiriwang sa taong ito:

a. lalo pang mamulat ang sambayanan sa kahalagahan ng pagpapaunlad, pagpapalaganap, pananaliksik at pagpepreserba ng Wikang Pambansa at ng mga wika sa Pilipinas;

b. Kilalanin ang lahat ng wika bilang mahalagang kasangkapan tungo sa karunungan at kaunlaran;

c. Itampok ang kahalagahan ng wikang pambansa, wikang lokal at ng Ingles para sa etnisidad, identidad, komunikasyon, literasiya at edukasyon ng mga Pilipino;

d. Ipakita ang mga bentahe ng multilingual na patakaran (lokal at global na mga wika) upang makaagapay sa lokal at global na kapaligiran; at

e. Patingkarin ang pandaigdigang taon ng mga wika.


Para sa isang buwang pagdiriwang linguhang hinati-hati ang paksa sa:


Agosto 1-7 Ang mga wika ay mahalagang kasangkapan tungo sa karunungan at kaunlaran.


Agosto 8-15 Wikang kinagisnan susi sa mas malawak na pagkatuto ng Wikang Pambansa at ng wikang Ingles.


Agosto 16-22 Wikang lokal at global sa Pandaigdigan Taon ng mga Wika.


Agosto 23-31 Wika Mo, Wikang Filipino, Wika ng Mundo Mahalaga sa mamamayang Pilipino.


Tayong lahat ay makiisa't makibahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa!


Mga nagdaang taon paksa o tema ng Buwan ng Wika:

2007 tema "Maraming Wika, Matatag na Bansa!"

2006 tema "Ang Buwan ng Wikang Pambansa ang Buwan ng mga Wika sa Pilipinas"

2005 tema "Wikang Filipino : Simbolo ng Kultura at Lahing Pilipino"

2004 tema "Wikang Filipino sa Kaunlarang Pangkabuhayan, Kapayapaan at Pagkakaisa"

2003 tema "Wikang Filipino, Pagyamanin; Wikang Vernakular, Huwag Limutin; Wikang Ingles, Pagbutihin"

2002 tema "Wikang Filipino Tungo sa Globalisasyon"

1 comment: