Showing posts with label Buwan ng Wika. Show all posts
Showing posts with label Buwan ng Wika. Show all posts

Thursday, August 01, 2019

Buwan ng Wika 2019



Info source: www.kwf.gov.ph 


Hinggil sa Pagdiriwang

Para sa taóng 2019, ipagdiriwang ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Buwan ng Wikang Pambansa na tampok ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.”

Pakikiisa ito ng KWF sa proklamasyon ng UNESCO ng 2019 International Year of Indigenous Languages (IYIL). Higit pa dito, ang pagdiriwang ay isang mahalagang suhay sa ipinatutupad ng KWF na Medyo Matagalang Plano 2017-2020 sa pamamagitan ng mabisang pagpapatupad ng mga pambansang programa para sa patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, at pagpapalaganap ng mga katutubong wika na makapag-aambag sa higit na kagalingan at kalinangang pambansa ng mga Filipino.

Ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino” ay hinati sa apat na lingguhang tema:

Linggo 1 (Agosto 5-9): Ako at ang Katutubong Wika Ko
Linggo 2 (Agosto 12-16): Pagbasa at Paglaya: Pagpapalusog ng mga Katutubong Panitikan at Kaalamang-bayan
Linggo 3 (Agosto 19-23): Sarikultura: Multilingguwalismo at Pag-uugnayan para sa Isang Bansang Filipino
Linggo 4 (26-30 Agosto): Pangangalaga sa mga Katutubong Wika, Pangangalaga sa Bansang Filipino


Hinggil sa BNW 2019 Logo



Nagtatampok ang BNW 2019 Logo ng tatlong mahalagang aspekto: (1) pagtatampok ng mga abstraksiyon ng mga disenyong panghabi mula sa iba’t ibang pangkating katutubo sa bansa; (2) pagtatampok ng sari-saring kulay; at (3) pagtatampok sa baybayin na “ka” sa gitna ng logo ng KWF.

Ang mga abstraksiyon sa mga disenyong panghabi ng mga pangkating katutubo sa bansa ay simbolo ng katangiang mapaglahok ng wikang Filipino at ang pagyakap nito sa iba’t ibang katutubong wika sa Filipinas. Ang sari-saring kulay at paghahalo-halo ng mga ito ay simbolo naman sa mithing kaisahan at epektibong daloy ng ugnayan para sa mga katutubong wika sa bansa.

Sa gitna ng lahat ng ito, matatagpuan ang baybayin na “ka” sa loob ng logo ng KWF. Isa itong pagtatanghal at pagpaparangalan ng Komisyon sa mga katutubong wika bilang ubod ng mga mandato ng KWF dahil naniniwala ang ahensiya nasa mga katutubong wika ang pagka-Filipino.

Wednesday, August 01, 2018

Buwan ng Wikang Pambansa 2018




Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwan pagdiriwang ay ang mga sumusunod:

a. Filipino: Kasangkapan sa Pambansang Karunungan
b. Kayamanang Kultural: Saliksikin Gamit ang Sariling Wika Natin
c. Filipino, Isang Dakilang Pamanang-Bayan
d. Intelektuwalisasyon ng Filipino, Para sa Kaunlaran ng Bansa

Wednesday, July 29, 2015

DepEd Memorandum no. 79 s.2015 - Buwan ng Wikang Pambansa



Ang tema ng Buwan ng Wika selebrasyon ngayong taon ay “Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran.”

Ayon sa Memorandum #79 s. 2015 ng Department of Education, ang pangkalahatang tema ay hinati sa mga sumusunod na diwa:

a) Filipino: Wika ng Kaunlarang Pangkultura

b) Filipino: Wika ng Kaunlarang Pang-ekonomiya

c) Filipino: Wika ng Kaunlarang Panglipunan

d) Filipino: Wika ng Kaunlarang Panteknolohiya

"ang lingguhang tema ang papatnubay at magsisilbing batayan ng lahat ng gawain bubuuin at isasagawa sa isang buwang pagdiriwang"

Thursday, June 06, 2013

DepEd Memo : 2013 Buwan ng Wika

Ang Paksang Diwa ng 2013 Buwan ng Wika pagdiriwang ay:
Wika Natin ang Daang Matuwid

Ayon sa DepEd Memo no.  89 s. 2013,

Hinati sa mga sumusunod na diwa ang pangkalahatang tema ng pagdiriwang:

- Ang Wika Natin ay Wika ng Katarungan at Kapayapaan
- Ang Wika Natin ay Laban sa Katiwalian
- Ang Wika Natin ay Sandata Laban sa Kahirapan
- Ang Wika Natin ay Wika ng Mabilisan, Inklusibo, at Sustenidong Kaunlaran
- Ang Wika Natin ay Wika sa Pangangalaga ng Kapaligiran

Ang mga nabanggit na sub-tema ang papatnubay at magsilbing batayan ng lahat ng gawaing bubuuin at isasagawa sa isang buwang pagdiriwang. Hindi ito inayos sa pagkakasunod-sunod upang magkaroon ng kalayaan ang lahat sa pagpaplano ng programa.




Monday, June 03, 2013

2013 Buwan ng Wika

Ang Paksang Diwa ng 2013 Buwan ng Wika pagdiriwang ay:
Wika Natin ang Daang Matuwid


Wednesday, July 28, 2010

2010 Buwan ng Wika


Ang tema sa pagdiriwang ng 2010 Buwan ng Wika ay
"Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan"
Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang taunang pagdiriwang at magkakaroon sa Agosto 2, 2010 ng pagpupugay sa watawat sa MalacaƱang Grounds bilang hudyat ng pormal ng pagsisimula ng pagdiriwang.

Hinati sa limang lingguhang paksa ang isyu ng pagdiriwang. Click here to view DepEd Memo No. 309 s. 2010 kung saan mababasa/makikita ang paksa sa bawat linggo.

Galing naman sa Facebook account ng KWF,
Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nilikha ng Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) na iniaatas ng Konstitusyon ng Pilipinas, na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.

Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay nilikha bisa bisa ng batas-republika-7104, na nagtatakda ng mga kapangyarihang nito, mga tungkulin at mga gawain.

Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936.

Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.

Wednesday, July 08, 2009

Buwan ng Wikang Pambansa 2009


Ayon sa DepEd Memorandum no. 295 s.2009, ang tema ng 2009 Buwan ng Wikang Pambasang selebrasyon ay:
"Wikang Filipino : Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas "
Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang taunang pagdiriwang ayon na rin sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997.

Friday, August 01, 2008

2008 Buwan ng Wika

Agosto na! Ito ang buwan ating ipinagdiriwang ang Wikang Pambansa. Isang selebrasyon nagpapahalaga sa ating sariling wika na dapat pagyamanin ng bawat Filipino. Ang tema ngayon 2008 Buwan ng Wika ay "Wika Mo, Wikang Filipino, Wika ng Mundo, Mahalaga!" Pangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang taunang pagdiriwang ayon na rin sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997.


Ayon sa DepEd Memorandum 332 s.2008

Layunin ng pagdiriwang sa taong ito:

a. lalo pang mamulat ang sambayanan sa kahalagahan ng pagpapaunlad, pagpapalaganap, pananaliksik at pagpepreserba ng Wikang Pambansa at ng mga wika sa Pilipinas;

b. Kilalanin ang lahat ng wika bilang mahalagang kasangkapan tungo sa karunungan at kaunlaran;

c. Itampok ang kahalagahan ng wikang pambansa, wikang lokal at ng Ingles para sa etnisidad, identidad, komunikasyon, literasiya at edukasyon ng mga Pilipino;

d. Ipakita ang mga bentahe ng multilingual na patakaran (lokal at global na mga wika) upang makaagapay sa lokal at global na kapaligiran; at

e. Patingkarin ang pandaigdigang taon ng mga wika.


Para sa isang buwang pagdiriwang linguhang hinati-hati ang paksa sa:


Agosto 1-7 Ang mga wika ay mahalagang kasangkapan tungo sa karunungan at kaunlaran.


Agosto 8-15 Wikang kinagisnan susi sa mas malawak na pagkatuto ng Wikang Pambansa at ng wikang Ingles.


Agosto 16-22 Wikang lokal at global sa Pandaigdigan Taon ng mga Wika.


Agosto 23-31 Wika Mo, Wikang Filipino, Wika ng Mundo Mahalaga sa mamamayang Pilipino.


Tayong lahat ay makiisa't makibahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa!


Mga nagdaang taon paksa o tema ng Buwan ng Wika:

2007 tema "Maraming Wika, Matatag na Bansa!"

2006 tema "Ang Buwan ng Wikang Pambansa ang Buwan ng mga Wika sa Pilipinas"

2005 tema "Wikang Filipino : Simbolo ng Kultura at Lahing Pilipino"

2004 tema "Wikang Filipino sa Kaunlarang Pangkabuhayan, Kapayapaan at Pagkakaisa"

2003 tema "Wikang Filipino, Pagyamanin; Wikang Vernakular, Huwag Limutin; Wikang Ingles, Pagbutihin"

2002 tema "Wikang Filipino Tungo sa Globalisasyon"